De'Kada Tidbits
Heto na Ang CD Album ng De' Kada.
Alam naming napakaraming ng Music Albums ang na-release ngayong taon. Samu't saring revivals at rock en rol at natutuwa kami sa De' Kada dahil buhay na buhay talaga ang musika sa ating mga Pilipino.
Ngunit matatanong ninyo, bakit sa dinami dami na ng banda at artists e naisipan pa naming gumawa at mag-release din ng aming CD Album, may naiba ba? Lahat ng kanta sa album na ito ay Orihinal na Musikang Pilipino. Pinag-sama sama namin ang aming mga paboritong genre o istilo ng musika na nagkatunog at hugis, De' Kada.
1. Hele
2. Sabi Nila
3.Wala NA
4. Duda
5. OK Lang Yan
6.Leksyon
7.MSI
8. Di Na
9.Kapay
10. Hele Instrumental
Kaya sa mga interesadong marinig ang kakaibang sipi at talentong Pilipino, eto ang isang Album na inyong kagigiliwan.
De'Kada@AS3
De'Kada is scheduled to perform on November 12, 2009 at the Asia Source 3 Conference Fellowship Night at Silang, Cavite.
Apart from rendering songs and entertainment to cheer, warm and enliven the evening and the event, the group's challenge is to exemplify and magnify in their performance a touch of Filipino Talent, Humor, Merry Making and Hospitality.
We heard that the Asia Source Conference will be attended by about 150 participants (40 of which from the Philippines) from 17 Countries in the Asian Region.
To add to that spirited vibe, we hooked up Lady-I and her band to play with us.
De'Kada@TEN02
It will be a Bossa and Reggae Night@ Ten02 Timog with De'Kada this Wednesday November 4,2009.
Ang Kwento ng De'Kada
Ang musika ng De'Kada ay may kanya-kanyang kwento. Bawat kwento nito ay sumasalamin sa iba't ibang pagharap sa iba't ibang karanasan ng buhay -- sa anumang anggulo ng emosyon.
Katunayan, ang musika ng De Kada ay hango sa kolaborasyon ng mapagkwentong pag-iisip ng mga manunulat nito.
"De'Kada" ang unang naging produkto ng pinagsama-samang tula't akda na nilapatan ng tunog. Taliwas sa pag-aakala ng marami, ang album na ito ay hindi pinilit o pinagtyagaang tapusin. Bagkus, ang album mismo ay nabuo dahil sa mga musikang tila naninibughong maipamahagi sa karamihan, at hindi lamang sa iilang kaibigang sila rin mismo ay tumatangis na mabigyang panahon ang musika ng De'Kada na maringgan ng mas marami.
Isa pang rason sa pagpayag ng grupo na pumailanglang sa masa ang pagnanais na makapagbigay ng alternatibo sa kasalukuyang daloy ng OPM. Ang impluwensiyang mararamdaman sa musika ng De Kada ay Blues, Ballad, Jazz, Pop, Reggae at Ska.








